Samahan ng mga mechanical engineers, suportado ang modernisasyon sa transportasyon

Manila, Philippines – Umani ng pagsuporta ang lahat ng sektor ng lipunan kabilang ang mechanical engineers society na pumirma ang mahigit 100 libong kasapi nito upang suportahan ang pagbabago ng PUJ modernization.

Ayon kay LTOP President Orlando Marquez halos lahat ng mga organisasyon sa transportasyon kabilang ang ACTO, PEJODAP, Pasang Masda, at ibang pang transportasyon ay buong suportang isinusulong ang pagbabago sa paggamit ng public utility jeep.

Paliwanag ni Marquez malaki ang maitutulong sa kalikasan ang paggamit ng solar electric jeep dahil environmental friendly ang naturang transportasyon.


Giit ni Marquez sinusuportahan ng kanilang grupo ang programa ni Pangulong Duterte at tanging ang administrasyon ni Duterte lamang ang nagpapatupad ng matagal ng binabalangkas ng ibat ibang transport group ang magkaroon ng PUJ modernization program ang bansa.

Facebook Comments