Samahan ng volleyball sa Pilipinas, umaasang makakapagsimula na rin na mag-training

24

Matapos payagan ang basketball, boxing at football na mag-ensayo, umaasa ang mga manlalaro na isusunod na rin ng Inter Agency Task Force (IATF) na payagan na magbalik training na rin ang volleyball.

Ayon sa mga pinuno ng Premier Volleyball League at ng Philippine Superliga, dahil ginawa ng IATF na payagan ang ensayo ng basketball, football at boxing, isang positibong sensyales na rin ito para sa volleyball.


Sinabi ng grupo na dahil ikinokonsidera silang amateur leagues, dadalhin nila ang kanilang request sa Philippine Sports Commission (PSC).

Una nang sinuspinde ng PSL ang kanilang Grand Prix Tournament noong Marso matapos sumiklab ang COVID-19 pandemic habang ang PVL ay nagdesisyon na i-delay ang kanilang fourth season bunsod din ng pagkalat ng coronavirus.

Facebook Comments