Samahang Basketbol ng Pilipinas, planong isama si Greg Slaughter sa line-up ng Gilas Pilipinas

41

Inihayag ngayon ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) Program Director Tab Baldwin na plano nilang kunin si Greg Slaughter para maglaro sa Gilas Pilipinas sa second window ng 2021 Fiba Asia Cup Qualifers.

Nabatid na hanggang sa ngayon ay wala pa ring team sa PBA ang kumukuha kay Slaughter matapos ang kontrata nito sa Barangay Ginebra kung saan walong buwan din siyang nag-training sa Amerika.

Sinabi ni Baldwin na malaking tulong kung makukuha nila si Slaughter pero kailangan muna daw ayusin nito ang gusot sa pagitan niya at ng Ginebra para masiguro ang paglalaro nito sa National Squad.

Iginiit pa ni Baldwin na inaabangan na lamang nila ang resulta sa pag-uusap ng kampo ni Slaughter at ng Gin Kings upang maisapinal na niya ang line-up ng National Squad.

Facebook Comments