Samgyupsal restaurant ng Actress at Entrepreneur na si Kris Bernal, pansamantalang isinara!

95

‘Health comes first’

Ito ang pahayag ng Actress at Entrepreneur na si Kris Bernal dahilan kaya naisipan nila ng kanyang fiancé na si Perry Choi na pansamantala munang isara ang kanilang Samgyupsal Restaurant na House of Gogi.


Pag-amin ng Kris, challenging ang maging negosyante sa gitna ng pandemic dahil kailangang protektahan hindi lamang ang kita, kundi pati ang kalusugan ng mga staff.

Bagama’t pansamantalang natigil ang operasyon, overwhelming naman para kay Kris ang nangyari dahil nakagawa siya ng kabutihan sa kaniyang mga staff.

Thankful din si Kris sa kaniyang fiancee na si Perry dahil sinuportahan siya nito sa lahat ng pagsubok na kaniyang kinaharap.

Samantala, idineklara nang patay ang Former Glee Star na si Naya Rivera sa edad na 33, matapos matagpuan ang kaniyang katawan sa loob ng limang araw na paghahanap.

Nakita ang bangkay ng aktres na palutang-lutang sa Northeast Area ng Lake Piru, sa Southern California kung saan may lalim ang tubig na 35 hanggang 60 feet.




Nawala si Naya noong July 8 kung saan natagpuang mag-isang natutulog ang kaniyang anak sa pontoon boat na nirentahan ni Naya bago ito nawala.

Facebook Comments