Sample na nakolekta sa mga tripulante ng MV Athens Bridge at mga galing India, nakasalang pa sa genome sequencing

90

Sumasailalim pa sa genomic sequencing ang mga sample ng mga nagpositibo sa COVID-19 gayundin ang mga dumating galing ng India.

Kabilang na rito ang isa sa mga nagpositibo sa COVID-19 na dumating sa mga paliparan mula April 1 hanggang 30.


Kasama rin sa sinusuri ng Philippine Genome Center ang sample mula sa siyam na tripulante ng MV Athens Bridge habang ang isa ay dumaan pa sa re-swabbing.

Kinumpirma rin ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na apat sa mga tripulante ng nasabing barko ang nasa ospital.

Walo naman sa mga tripulante na tinamaan din ng COVID-19 ang nasa quarantine facility na sa Metro Manila.

Facebook Comments