SAMPUNG NATATANGING AMA, PINARANGALAN SA ‘IDOL KO SI TATAY’ PROMO NG IFM DAGUPAN

Bilang bahagi ng Father’s Day celebration, pinarangalan ng iFM Dagupan ang sampung natatanging ama sa “Idol Ko si Tatay” promo noong Sabado.
Limang ama ang napili online mula sa mga Facebook post ng kanilang mga mahal sa buhay na nagbahagi ng kwento ng kanilang sakripisyo at pagmamahal.
Kabilang sa kanila sina Ricky Bautista ng Calasiao, Anaclito Mediona ng San Fabian, Rosendo Fabia ng Santa Barbara, Orlando Rabaya at Jeric Mejia ng Mangaldan.

Limang ama rin ang napili on-the-spot sa iba’t ibang lugar sa Dagupan at karatig-bayan dahil sa kanilang pagiging huwarang tatay. Sila ay sina Boyet Cayabyab ng Mamalingling, Julius Magsaoy ng Mangin, Francisco Flores ng AB Fernandez, Eddie Sular ng Calmay, at Rogelio Garcia ng Malasiqui.

Bilang gantimpala, tumanggap sila ng food packs, t-shirts at mugs mula sa sponsors ng programa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments