Sampung taong Gulang na Bata, Nabaril!

36

San Mariano, Isabela – Nakatakdang isuko ng isang Lolo ang kanyang kalibre 38 na baril matapos aksidenteng natamaan ang apo sa San Mariano, Isabela.

Nakilala ang bata na si John Wayne Bahatan, sampong taong gulang at residente ng Barangay Casala, San Mariano, Isabela.

Batay sa pangyayari, nabatid na habang naghahanda na ang bata para matulog ay aksidenteng natapakan ang baril at bigla pumutok ito.

Natamaan ang bata sa kanang hita kung saan kaagad na isinugod sa San Mariano Community Hospital na inilipat sa isang pagamutan sa City of Ilagan.

Dahil dito ay nagresponde ang PNP San Mariano at kinausap ang mga magulang ng bata ngunit wala nang plano na magsampa ng kaso laban sa matanda.

Hinihintay na lamang ng kapulisan na isuko ng matanda ang baril niya na kalibre trentay otso.

Facebook Comments