Sunday, November 8, 2026

SAN FABIAN PNP, NAGPAIGTING NG NIGHTTIME SECURITY CHECKS SA MGA NEGOSYO AT FINANCIAL INSTITUTIONS

Pinaigting ng San Fabian Municipal Police Station ang pagbabantay sa gabi sa mga establisimyento at financial institutions bilang bahagi ng hakbang upang mapanatili ang seguridad sa buong bayan.

Nagsagawa ang mga tauhan ng San Fabian MPS ng nighttime security watch patrols at pagbisita sa mga business establishment at financial institutions sa iba’t ibang bahagi ng munisipalidad.

Sa isinagawang operasyon, sinuri ng mga pulis ang mga commercial establishment upang makatulong na maiwasan ang mga posibleng pagnanakaw o pagpasok nang sapilitan sa gabi.

Nakipag-ugnayan din ang mga pulis sa mga *force multiplier* na naka-duty at pinaalalahanan ang mga ito na manatiling mapagmatyag, agad i-report ang anumang kahina-hinalang aktibidad at panatilihin ang mataas na police visibility habang nasa kanilang duty.

Tiniyak naman ng San Fabian PNP sa mga negosyante at residente na nananatiling naka-standby at handang rumesponde ang mga pulis *24 oras* upang mapanatili ang kapayapaan, kaayusan at seguridad sa buong bayan, kabilang ang oras ng gabi. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments