San Juan City Government, magsasagawa ng libreng skills training para sa mga residente nito

19

Inihayag ni Mayor Francisco Zamora na magsasagawa ang Pamahalaang Lungsod ng San Juan ng libreng skills training para sa mga residente nito.

Ang skills training na alok ay ang libreng Electronic and Product Assembly and Servicing Class na magsisimula sa March 8 hanggang May 15 ngayong taon.


Papangunahan ito ng Skills and Livelihood Training Center ng pamahalaang lungsod.

Layunin aniya nito na mabigyan ng karagadagang kaalaman o magkaroon ng extra income ang mga taga-San Juan ngayong panahon ng pandemya.

Para anya sa mga interesado ay maaaring tumawag sa 8693-9464 o pumunta sa Skills and Livelihood Training Center, 4th floor., FilOil Flying V Centre Parking Building, Pinaglabanan Street sa nasabing lungsod.

Facebook Comments