San Juan City Mayor Francis Zamora, sasailalim sa home quarantine

81

Simula ngayong araw ay sasailalim sa 14-day self-quarantine si San Juan Mayor Francis Zamora.

Ito ay makaraang magpositibo sa COVID-19 ang isang staff sa mayor’s office. Maayos naman aniya ang kanyang kondisyon at wala siyang nararamdamang sintomas ng virus.


Kahit naka-quarantine, patuloy pa ring tututukan ng alkalde ang day to day operation ng Lungsod lalo na sa pagtugon sa COVID-19. Mananatili din aniya siyang aktibo sa social media para magbigay ng mga abiso at update.

Facebook Comments