San Juan Mayor Francis Zamora at dating Senador JV Ejercito, kapwa mahilig magbisekleta at nagkakwentuhan sa San Juan City

494
COURTESY: Mayor Francis Zamora FB

Hindi akalain ni San Juan City Mayor Francis Zamora sa isang hindi inaasahang pagkakataon ay nagkita at nagka-kwentuhan sila ni Senador JV Ejercito sa Greenhills, San Juan ngayong umaga kung saan kapwa mahilig mag-bisekleta ang dalawang opisyal.

Sa kaniyang post sa Facebook page, hindi akalain ni Mayor Zamora na mahilig pala magbike ang dating Senador kung saan ay nagkakwentuhan ang dalawa habang sakay ng bisekleta.

Hindi naman idinetalye ni Zamora kung ano ang kanilang pinag-uusapan pero makikita sa lawarang i-pinost ng alkalde na kapwa masaya ang dalawa habang sakay ng kanilang mga bisekleta.

Nagtatanong ang ilang mga nitizen sa i-pinost ng alkalde kung hudyat na ba ito ng kanilang pagkakasundo sa larangan ng politika o mayroong binabalak ang dalawa na planong magka-tandem para sa ikauunlad ng kanilang nasasakupang lungsod.

Facebook Comments