San Juan Mayor Francis Zamora, nagpaabot ng pakikiramay sa pamilyang naulila ni MMDA Chairman Danilo Lim

56

Ikinalungkot ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang pagpanaw ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danilo Lim.

Kaya naman taos-pusong nagpaabot ng pakikiramay ang alkalde sa mga naulilang pamilya ni Lim.


Ayon kay Zamora, nawalan naman ang bansa ng isang totoong public servant.

Si Zamora at Lim ay nagkatrabaho sa Metro Manila Council (MMC) na kinabibilangan ng mga mayor sa Metro Manila at si Lim ay naging chairman nito.

Kahapon ng umaga pumanaw si Lim sa St. Luke’s Hospital sa Taguig City dahil sa cardiac arrest, pero bago nito, nagpositive si Lim sa COVID-19.

Facebook Comments