San Miguel Beermen, naitabla ang best of seven series nila kontra TNT Tropang Giga matapos makuha ang panalo sa Game 6; do-or-die Game 7 ng PBA Philippine Cup Finals, kasado na bukas ng gabi!

43

Naitabla ng San Miguel Beermen ang best-of-7 series ng PBA Philippine Cup Finals matapos maipanalo nito ang Game 6 kontra TNT Tropang Giga kagabi.

Bumungad sa TNT ang 16-point advantage ng Beermen matapos mauwi sa 40-24 ang first quarter ng laban.

Pinangunahan naman nina Marcio Lassiter, CJ Perez at Simon Enciso ang Beermen dahilan para lumobo sa 30 points ang lamang nila.


Hindi naman nagpahuli ang Center at sixth time MVP na si June Mar Fajardo na nagtala ng 10 markers at 12 rebounds.

Nagtapos ang laban sa score na 114-96 pabor sa Beermen.

Samantala, inaabangan na ng mga PBA fans ang huling laban sa pagitan ng dalawang koponan bukas ng gabi para sa Game 7 sa Smart Araneta Coliseum kung saan tatanghalin na ang susunod na PBA champion.



Facebook Comments