San Miguel Beermen, tabla na sa Talk N’ Text katropa sa PBA Commissioners Cup Finals

190

Manila, Philippines – Naitabla ng San Miguel Beermen sa 1-1 ang kanilang best of seven kontra TNT Katropa sa iskor na 102-88 sa PBA Commissioners Cup Finals.

Pinangunahan ni June Mar Fajardo ang laro na may 22 points at 11 rebounds habang mayroong 20 points, limang rebounds at apat na steals si Chris Ross.
Kumadada naman ng 16 na puntos at anim na rebounds si Arwind Santos habang mayroong 13 points, apat na rebounds at anim na assists si Alex Cabagnot.

Sa 1st quarter pa lamang ay bitbit na ng Beermen ang kalamangan hanggang sa pagpasok ng huling kwarter.


Facebook Comments