San Miguel Beermen, wagi sa NLEX Road Warriors sa nagpapatuloy na 2017 PBA Commissioner’s Cup

11

PBA – Tinalo ng San Miguel Beermen ang NLEX Road Warriors sa iskor na 114-108 sa nagpapatuloy na 2017 PBA Commissioner’s Cup.

Nabatid na umiskor si Charles Rhodes ng 37 points kasama ang lima pang Beeermen para makapagtala sila ng double figure sa unang labing dalawang minuto ng kanilang laro.

Bago mag-4th quarter ay nangunguna pa rin ang Beermen pero namanduhan din ito ng Road Warriors at nakapagtala ng 25 pts.
Nakapag-poste ang koponan ng Beermen ng 32 assists para sa isang 47 percent shooting clip, habang ang NLEX ay mayroon namang 44 percent.
DZXL558

Facebook Comments