
Kinumpirma ng Sandiganbayan 2nd Division na naglabas na ito ng warrant of arrest laban kay Senador Jinggoy Estrada.
Ito ay may kaugnayan sa kasong graft na isinampa ng Office of the Ombudsman laban kay Estrada dahil sa umano’y flood control kickback scheme.
Nauna nang nai-raffle ang naturang kaso at nakitaan ng sapat na batayan upang ipaaresto ang mga akusado.
Kasamang pinaaresto ng anti-graft court ang co-accused ni Estrada na si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan.
Maliban sa warrant of arrest, naglabas din ng hold departure order ang anti-graft court laban kina Estrada at Bonoan.
Facebook Comments










