
Ibinasura ng Sandiganbayan ang motion for reconsideration na inihain ni Mary Ann Maslog na nahatulan sa kasong katiwalian dahil sa ₱24 million textbook scam noong 1998.
Sa anim na pahinang resolusyon ng anti-graft court, pinagtibay nito ang graft conviction kay Maslog dahil sa kakulangan ng merito ng mosyon.
Wala umanong bagong ebidensya na inilatag si Maslog para baliktarin ang naunang desisyon noong Enero.
Iginiit ng Sandiganbayan na si Maslog na ang personal na naghatid ng mga palsipikadong budget release orders mula sa central office ng noo’y Department of Education, Culture and Sports (DECS) patungo sa DECS Region 8 at ang mga falsified document na ito ang ginamit para sa disbursement ng pondo.
Si Maslog din na nagkunwari noong patay ang tumayong kinatawan ng supplier na nakatanggap ng pondo ng gobyerno para sa pagbili ng mga libro at iba pang gamit.