Sandra Cam, posibleng magkaroon ng pwesto sa Gabinete

50

Manila, Philippines – Posibleng magkaroon ng pwesto sa gobyerno ang whistleblower na si Sandra Cam kung hihingin nito kay Pangulong Duterte.

 

Ayon sa Pangulo, nais niyang tuparin ang kanyang naging pangako kay Cam dahil sa pagtulong nito noong kampanya ng 2016 elections.

 

Kaugnay nito, nagbigay din ng pahayag ang Pangulo matapos malaman nito ang girian sa pagitan niya at nang isang airport staff, sinabing nito na siya na ang bahala rito at huwag nang palakihin pa ang nasabing isyu.

 

Pabiro namang sinagot ni Duterte ang mga katanungan sa magiging posiyon nito kung sakaling bigyan ito ng pwesto at sinabing wala pa itong posisyon at may mawawala muna sa kanyang Gabinete dahil sa kasalukuyan ay puno na ito.

Facebook Comments