SANDRIDES, DAGDAG ATRAKSYON SA TONDALIGAN BEACH SA DAGUPAN CITY

Dagdag atraksyon ang makabagong inilunsad na All-Terrain Vehicle na nasa Bonuan Tondaligan Beach sa Dagupan City.
Kasabay ng pagpromote sa makabagong atraksyon na sandrides ay sinubukan ito ng ilang mga kawani ng lokal na pamahalaan ng Dagupan.
Samantala, matatandaan na kabilang sa mga plano ng LGU Dagupan ang pagpapayabong pa ng turismo ng lungsod sa pamamagitan ng pag create ng mga bago pang pasyalan partikular sa Tondaligan Beach.

Ilan lamang ang pagpapatayo ng One Bonuan Pavillon, Skateboard Park, Filipino Chinese Friendship Park mula sa Consulate Of The People’s Republic Of China sa bahagi ng planong pagpapaunlad ng nasabing beach attraction. |ifmnews
Facebook Comments