Sanggol, nasagip sa gumuhong gusali sa Russia

29

Nasagip ang isang sanggol na lalaki sa isang gumuhong apartment building sa Russia.

Maswerteng nahugot ng mga rescuer ang naturang sanggol 35 oras ang nakalipas nang gumuho ang building, kung saan pitong katao ang nasawi at ilang dosenang nawawala.

Natuklasan ng mga rescuers ang kinaroroonan ng sanggol matapos marinig ang iyak nito.

Matinding sugat ang tinamo ng sanggol kaya patuloy ang monitoring sa kalagayan nito.

Umaasa pa ang mga awtoridad na mas marami pang survivors ang kanilang masasagip sa gumuhong gusali.

Facebook Comments