SANGGUNIANG PANLALAWIGAN HINDI INIREREKOMENDA ANG PAGSASAGAWA NG NEW YEAR’S PARTY

30

Sa bisa ng executive order no. 1043 series of 2021 hindi inirerekomenda ng Sangguniang Panlalawigan sa Pangunguna ni Vice Governor Mark Lambino ang pagsasagawa ng New Year’s Party.

Saad ng Bise Gobernador, ang kautusang ito ay naglalayong maiwasan ang pagsasagawa ng mga mass gatherings na sanhi upang dumaming muli ang covid case ng lalawigan.

Ipinapaabot ng kanilang tanggapan sa lahat ng mga Opisyal sa bawat bayan ng Pangasinan na ipagpaliban muna ang pagsasagawa ng mga ganitong aktibidad dahil may banta parin ng covid19.


Samantala, umaasa ang ahensya na tatalima ang lahat sa kanilang inilabas na kautusan. | ifmnews

Facebook Comments