Sangkaterbang basura, nahakot sa estero sa Maynila

Tondo, Manila- Sandamakmak na basura ang nahakot ng mga tauhan ng MMDA sa isinagawang clean-up drive sa mga estero sa Tondo, Maynila.

Ayon kay MMDA General Manager Danilo Lim – regular ang paglilinis sa mga estero lalo na ngayong tag-ulan.

Nakikipag-ugnayan na aniya ang MMDA sa mga lokal na pamahalaan para masolusyonan ang problema sa mga informal settlers na nakatira malapit sa mga estero.


Aminado ang MMDA na kahit anong linis ng ahensya ay mababalewala ito kung hindi magiging disiplinado ang publiko sa wastong pagtatapon ng basura.

Facebook Comments