SANIB PWERSA | PNP at PDEA, bubuo ng bagong campaign plan para sa giyera kontra droga

32

Manila, Philippines – Babalangkasin bukas ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) ang campaign plan na magsisilbing gabay ng pulisya sa pagbabalik nila sa giyera kontra droga.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Supt. Dionardo Carlos, target nila itong tapusin sa weekend para makabuo na ng memorandum circular.

Ito ay para mapirmahan na sa Lunes ni PNP Chief Ronald Dela Rosa para ipakalat sa mga rehiyon.

Ngunit ayon kay Carlos, wala pang eksaktong petsa kung kelan sila babalik talaga sa war on drugs.

Makakasama sa bagong polisiya ang pag-oobliga sa mga pulis na magsuot ng body camera sa mga anti-drugs operations at pagpapalakas sa internal cleansing sa hanay ng PNP upang matiyak na wala nang pasaway na pulis ang makakasama sa mga anti illegal drugs operation.

Facebook Comments