Pinaigting ng City Health Office (CHO) ang sanitary inspection sa mga food vendors sa Urdaneta City Night Market upang masiguro ang pagsunod sa mga pamantayan sa kalinisan at food safety.
Sa isinagawang inspeksyon, tiningnan kung may sapat na sanitary permit at health card ang mga nagtitinda bilang bahagi ng pagpapatupad ng mga regulasyon sa pampublikong kalusugan.
Layunin ng hakbang na matiyak na ligtas, malinis, at maayos ang paghahanda at pagbebenta ng pagkain sa night market upang maiwasan ang mga sakit na maaaring makuha sa kontaminadong pagkain.
Patuloy ding paalalahanan ang mga vendor na panatilihin ang wastong sanitasyon at sumunod sa health protocols para sa kapakanan ng mga mamimili at ng buong komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments











