Santiago City Police Office, Handa na Ngayong Eleksyon!

*Santiago City-* Handa na ang buong pwersa ng Santiago City Police Office (SCPO) sa pagtulong at pangangalaga ng kaayusan at kapayapaan ngayong darating na eleksyon.

Sa panayam ng 98.5 RMN Cauayan kay P/LtCol. Melchor Ariola, ang taga pagsalita ng SCPO, nakalatag na anya ang kanilang mga plano upang mapangasiwaan ng maayos ang kanilang pagbabantay para sa seguridad ng kanilang nasasakupan sa Mayo a-trese.

Mayroon na aniyang sapat na bilang ng kapulisan sa Lungsod at hindi na raw kinakailangan ng Augmentation.


Nagsagawa na rin anya ang kanilang pamunuan ng mga pagpupulong upang maihanda ang lahat ng mga kinakailangan at dapat gawin kung sakaling may mga hindi inaasahang insidente na mangyayari sa araw ng botohan.

Samantala, nilinaw ni P/LtCol Ariola na wala namang banta ng insurhensiya sa Lungsod at kampante anya ang kanilang pamunuan dahil katuwang din nila sa pagbabantay ang tropa ng militar.

Facebook Comments