Sanya Lopez, isinakripisyo ang love life para sa kaniyang dream house

195

Inamin ng aktres na si Sanya Lopez na sinakripisyo niya ang kaniyang love life para mabili ang kaniyang dream house.

Say ni Sanya, nabili niya ang halos 200-sq meters na modern home sa Quezon City sa pamamagitan ng kaniyang ipon mula sa pag-aartista.

Aniya, kung nawala siya sa focus at inuna ang love life ay baka wala pa siyang bahay ngayon.

Bukod sa pagsasakripisyo ng love life, naging matipid rin aniya siya sa kaniyang pera.

Nabatid na bago pa man nabili ni Sanya ang kaniyang dream home ay naranasan na niya na tumira sa isang maliit na apartment sa Valenzuela kung saan ay kahati niya pa sa kuwarto ang kaniyang personal assistant.

Facebook Comments