
Sinimulan na ni Special Assistant to the President Secretary Anton Lagdameo ang pagsasama-sama
sa political support bago ang 2025 midterm elections sa Sinulog Festival sa Cebu City.
Kinatawan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si Lagdameo ay nakipagpulong sa key lawmakers at government candidates mula sa lahat ng bahagi ng bansa, na inaasahan niyang hudyat ng pagkakaisa para sa mga kandidato ng administrasyon.
“It is important to have a unified call with other political players, especially as the country faces political divisions. Unity is key to ensuring that we continue to move forward as a nation,” pahayag ni Lagdameo.
Sa pagsisimula sa Sinulog Festival, na umaakit ng milyon-milyong Pinoy at key political players kada taon, sinabi ni Lagdameo na nagkaroon din siya ng pagkakataon na iparating ang layunin ng administrasyon na makamit ang pagkakaisa at kasaganaan.
Si Lagdameo ay nakipag-usap sa iba’t ibang politiko, tinasahan ang kanilang local situations at sinuportahan sila sa ilalim ng nagkakaisang layunin, ilang linggo bago ang simula ng campaign period.
Ang iba pang political figures na nakaharap ni Lagdameo ay sina Cebu Governor Gwen Garcia at Mayor Raymond Alvin Garcia, Senator JV Ejercito, Deputy Speaker Camille Villar, Office of the Presidential Assistant for the Visayas Usec. Terence Calatrava, Negros Oriental Governor Chaco Sagarbarria, dating Senador Kiko Pangilinan ay maybahay nito na si Sharon Cuneta.