SAPAT NA SUPLAY NG ILANG ISDA SA PALENGKE SA DAGUPAN CITY, TINIYAK

Tiniyak ng ilang tindera ng isda sa palengke sa Dagupan City ang suplay ng ilan sa kanilang tinitindang isda.

Ani ng ilang tindera, sa kabila ng pabago-bagong panahon ngayon ay hindi pa naman umano ito nakakaapekto sa kalakalan sa pamilihan dahil sapat pa naman umano ang suplay ng ilan sa pangunahing isda na binibili ng mga konsyumer.

Sa ngayon, nasa 200 pesos ang malaki-laking klase ng bangus, tilapia nasa 100 pesos, hipon nasa 320 pesos, sapsap, galunggong, at orelis na parehong nasa 60 pesos habang ang tahong ay nasa 40 pesos hanggang 90 pesos.

Muli rin nilang binigyang katiyakan na maayos at tama ang timbangan na kanilang ginagamit sa pagtitinda habang regular din ang inspeksyon na isinasagawa ng market division. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments