Sapat na suplay ng kuryente sa ngayong semana santa, tiniyak ng Meralco

14

Sapat ang suplay ng kuryente sa buong panahon ng semana santa.

Ito ang pagtitiyak ng Manila Electric Company o Meralco.

Ayon kay Meralco Spokesman Joe Zaldarriaga, matatag ang magiging power reserve ngayong holy week hanggang sa weekend.

Anya, kung sakaling magkaroon ng kakapusan sa suplay ng kuryente ay handa na ang kanilang mga partner establishments para sa pagpapatupad ng Interruption Load Program (ILP).

Sa ilalim ng ILP, ang mga establishment tulad ng mga malls ay gagamit ng kanilang sariling generator sets para mabawasan ang load sa Luzon Grid.

Facebook Comments