
Siniguro ng Department of Energy (DOE) na may sapat na suplay ng kuryente ngayong nalalapit na ang pasukan.
Ayon kay Energy Assistant Secretary Mario Marasigan, nakahanay na ang ilang proactive measure at contingency plan upang agad matugunan ang mga power outage at grid issues kasabay ng inaasahang pagbabalik ng mga estudyante sa mga paaralan para sa kanilang in-person classes.
Ani Marasigan, nakalatag na ang ilang mga draft upang matiyak ang zero-brownout lalo pa’t nararanasan na rin ang mga pag-ulan at may mga bagyong inaasahan na papasok ng bansa.
Una nang sinabi ng ahensiya na kung natupad nila ang zero-brownout noong araw ng halalan, May 12, ay maaari din nilang maabot ito sa pagbubukas ng bagong School Year 2025–2026.
Facebook Comments