Sapat na suplay ng pataba sa bansa, tiniyak ng DA sa gitna ng posibleng pagtaas ng presyo nito dahil sa gulo sa Middle East

Mayroong sapat na suplay ng pataba para sa sektor ng agrikultura sa bansa.

Ito ang tiniyak ng Department of Agriculture (DA) kasunod ng posibleng epekto ng lumalalang tensyon sa pagitan ng Israel at Iran, partikular sa mga iniluluwas na produkto tulad ng fertilizer sa Gulf region.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., batay sa kanilang pagtataya, maraming suplay ng pataba ang bansa na posibleng aabot pa ng isang taon.

Sakali mang maubos, tiniyak ng Kalihim na may iba pang alternatibong pagkukunan ng fertilizer ang Pilipinas gaya ng Russia at Brunei Darussalam.

Dahil dito, tiwala si Laurel na walang magiging paggalaw sa lokal na presyo ng pataba sa kabila ng gulo sa Middle East.

Pangunahing supplier ng fertilizer sa Pilipinas ay nagmumula sa Middle East partikular sa bansang Qatar.

Facebook Comments