Kumpyansa ang PAMANA Water Dagupan na sapat ang suplay ng tubig sa lungsod sa posibleng pagtaas ng demand ngayong tag-init.
Sa ekslusibong panayam ng IFM News Dagupan PAMANA Water Dagupan Spokesperson Margarita Navata, sobra -sobra pa umano para makapag suplay sa buong populasyon ng Dagupan ang nasa abot 1 million cubic meter ng tubig na nagegenerate ng tanggapan kada buwan.
Hindi rin umano nababahala ang tanggapan sa inaasahang dagsa ng mga bisita sa lungsod na magpapataas ng demand sa tubig.
Sa kabila nito, wala pang nakaambang taas singil sa tubig ngayong buwan ngunit maaring abutin ng 5% ang itataas sa singil kung magtatakda ang tanggapan.
Dagdag ng opisyal, patuloy na pinaigting ng tanggapan ang mga hakbang upang tugunan ang mga reklamo at pangangailangan ng publiko sa tubig. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨