Sapatos ni NBA superstar Michael jordan, naibenta sa halagang ₱29.94-M

Aabot sa $615,000 o mahigit ₱29.94 milyon ang halaga ng naibentang sapatos na ginamit ni NBA legend Michael Jordan noong 1985 exhibition match sa Italy.

Ang Nike Air Jordan 1 high shoes na may sukat na 13.5 ay ibinenta ng Christie’s Auction Company kung saan nabasag nito ang record ng Air Jordan 1 na una nang naisubasta sa halagang ₱27.26 million noong Mayo.

Ayon sa Christie’s Auction Company, mas lalo pang nadadagdagan ang kagamitan ng dating Chicago Bulls Star taon-taon matapos i-release at ipalabas ang docuseries film nito na “The Last Dance” noong 1997-1998 season.


Facebook Comments