Sapilitang pagsuot ng hijab sa loob ng eskwelahan, inalis na ng Indonesian government

76

Inalis na ng Indonesian government ang sapilitang pagpapasuot ng Islamic hijab sa mga kababaihan sa loob ng eskwelahan sa Indonesia kabilang na ang mga guro at mga estudyante.

Kasunod ito ng protesta ng magulang ng isang mag-aaral na pinilit umanong pagsuotin ng hijab.


Ayon kay Indonesian Education and Culture Minister Nadiem Makarim, mahaharap sa kaparusahan ang sinumang paaralan na lalabag sa nasabing batas.

Ikinatuwa naman ng ilang grupo ng mga kababaihan ang ipinatupad na batas dahil mas nararamdaman nila ang paggalang sa kanilang pasya sa pagpapahayag ng kanilang paniniwala.

Facebook Comments