Sara Duterte, hindi sang-ayon sa “palengke-style” na debate

Manila, Philippines – Mas gusto ni Hugpong ng Pagbabago (HNP) Slate Campaign Manager, Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na magkaroon ng organisadong debate kaysa sa “palengke-style” na debate.

Ito ang pahayag ng alkalde matapos isnabin ng mga HNP bets ang hamong public debate mula sa Otso Diretso ng opposition coalition.

Ayon kay Mayor Duterte – dapat magkasundo ang mga partido pagdating sa ilang terms ng debate gaya ng venue, oras at rules nito.


Matatandaang nitong Lunes, February 25, lima mula sa walong Otso Diretso bets ang pumunta sa Plaza Miranda para sa public debate habang walang sumipot sa panig ng HNP.

Facebook Comments