Sara Duterte, iginiit na handang kumasa sa debate ang kanyang mga pambato sa HNP

Kumasa na si Hugpong ng Pagbabago (HNP) Chairperson Davao City Mayor Sara Duterte sa hamong debate ng Otso Diretso ng opposition coalition.

Pero giit ni Inday Sara, nais niyang magkaroon ng organisadong debate kaysa sa “palengke-style” na debate.

Gayunman, sinabi ni Sara na hindi niya pipiliting dumalo sa debate ang kanilang mga kandidato dahil mayroon silang kalayaang magdesisyon para rito.


Una nang sinabi ni Senator Kiko Pangilinan, campaign manager ng Otso Diretso, na handa silang makipag-usap sa HNP para sa terms ng debate gaya ng venue, oras at rules nito.

Facebook Comments