Sara Duterte, iginiit na kayang humarap ang kanyang HNP senate bets sa oposisyon sa isang debate

Hahayaan ni Hugpong ng Pagbabago campaign manager, Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na idepensa ng mga pambato ang kanilang sarili sa mga alegasyon ng korapsyon.

Tiwala si Mayor Duterte na ang kanyang mga kandidato ay kayang makipagharapan sa mga taga-oposisyon sa isang debate.

Handa aniya ang HNP party bets na dumalo sa mga debateng inorganisa ng mga media outlets.


Facebook Comments