Sara Duterte, umapelang bigyan siya hanggang 2021 para magdesisyon kung tatakbo sa pagkapangulo

Humingi si Presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ng hanggang 2021 para sa makapagdesisyon kung tatakbo siya sa pagkapangulo sa 2022.

Ayon kay Mayor Sara – kailangan niya ng mahabang panahon para pag-isipang mabuti ito.
Aniya, mahirap panindigan ang pagtakbo bilang pangulo kung hindi ito para sa iyo.

Una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang balak tumakbo ang kanyang anak sa mas mataas pang posisyon sa gobyerno.


Facebook Comments