SARADO | Ilang kalsada sa Eastern Samar, hindi nadadaanan ng mga motrista dahil sa bagyong Basyang

56

Samar, Philippines – Base sa travel advisory na inilabas ng Department of Public Works and Highways, sarado sa mga motorista ang mga sumusunod na kalsada mula sa Eastern Samar dahil sa bagyong Basyang.

Una y ang Taft- Malinao- Binaloan Road at Wright- Taft- Borongan Road, dahil sa pagbaha sa brgy. San Pablo, at Taft- Brgy. Mabuhay.

Sarado rin ang Borongan- Guiuan Road, dahil sa landslide sa Brgy. Pinasuan, Gen. Mac Arthur, nagsasagawa na ng clearing operation sa lugar.

Samantala, kalahati naman ng lane sa Brgy. Paya, Giporlos, ay nadadaanan na matapos ang mga pagguho ngunit patuloy pa rin ang clearing operations.

Kaugnay nito nagpaalala naman ang DPWH sa mga motorista na magingat sa pagmananeho lalo na sa mga landslide at flashflood prone areas.

Facebook Comments