SARAG MI EXHIBIT BILANG PAGKILALA SA OBRA NI BAE NONG, BUKASSA PUBLIKO

Bilang pagkilala at pagbibigay parangal sa mga obra at ambag ni Bae Nong o Norma Liongoren, patron ng arts at isang gallerist, isinagawa ang Sarag Mi Art Exhibit sa lungsod ng Dagupan.
Bukas ang nasabing exhibit hanggang March 19, 2023 sa McArthur House, West Central Elementary School, Dagupan City mula 10 AM hanggang 5 PM.
Maaaring bilhin ang mga artworks na naka-display at ang pondong malilikom dito ay gagamiting tulong kay Alfredo Liongoren, asawa ng pumanaw na si Bae Nong na lumalaban sa sakit na kanser.

Kung ikaw ay art lover Idol, tara na sa exhibit with a purpose! |ifmnews
Facebook Comments