Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, magsasagawa ng first music collab para sa mga apektado ng COVID-19 pandemic

104

Sa kauna-unahang pagkakataon, magsasagawa ng major music collaboration ang celebrity couple na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

Isa itong online fundraising concert na layong tulungan ang mga pamilyang walang makain ngayong nakakaranas ng pandemya ang bansa.

Ayon kina Sarah at Matteo, ito ang unang pagkakataon na magsasama sila sa stage at haharap sa kanilang fans bilang mag-asawa.

Bukod sa mga paboritong kanta nina Sarah at Matteo, magsi-share rin ang dalawa ng mga experience nila bilang newlyweds at ang kanilang quarantine life.

Facebook Comments