Sarah Geronimo, iba na raw ang priority sa buhay

82

Nagbago na raw ang priority ng singer-actress na si Sarah Geronimo.

Ayon sa singer – actres, si Matteo Guidicelli na kanyang asawa at ang kanyang binubuong pamilya na raw ang kaniyang prayoridad.


Biro pa ng aktres, parang sampung taon na raw silang mag-asawa ni Matteo dahil magkasama silang dalawa 24/7 mula nang ipinatupad ang community lockdown.

Inamin din ng aktres na ngayon lamang niya nae-explore ang kanyang ‘adulting life’ dahil natututo na siyang mag-budget gamit ang kanyang sariling kita.

Masaya ngayon si Sarah sa buhay may-asawa matapos ang kontrobersyal na pagpapakasal nila ni Matteo.

Facebook Comments