Sarah Geronimo, nagpaabot ng mensahe sa kanyang ama sa kaarawan nito

86

Isang maikli ngunit sweet na birthday greeting ang ipinost ni Popstar Royalty Sarah Geronimo para sa kanyang amang si Delfin Geronimo.

Noong Biyernes, October 2, 2020 ay nagdiwang ng kaarawan si Daddy Delfin.

Isang picture ang ipinost ni Sarah sa kanyang Instagram kasama ang kanyang ama kung saan kuha ito mula sa kanyang duet ni Daddy Delfin para sa concert ng singer noong 2016.

May caption ang picture na “Ang aking habambuhay, maligayang kaarawan po Tatay Delfin ko.”

Nabatid na ito ang unang pagkakataong nag-post si Sarah ng tungkol sa kanyang pamilya pagkatapos ng kanyang kontrobersyal na kasal kay Matteo Guidicelli noong February 20, 2020.

Matatandaang, nagkagulo sa reception ng kasal nina Sarah at Matteo nang sumugod doon ang ina ng singer na si Mommy Divine matapos na malaman na ikakasal ang dalawa.

Sa kasalukuyan, wala pang naiulat na nangyaring pagkaka-ayos o pag-uusap sa pagitan ni Sarah at ng kanyang mga magulang.




Facebook Comments