Sarah Lahbati, kampante sa kabila ng kinahaharap na kaso ni Richard Guiterrez

Manila, Philippines – Tiwala si Sarah Lahbati na malalampasan ng kanyang life partner na si Richard Guiterrez ang kinakaharap na tax evasion case nito na isinampa ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Sa ibinigay na pahayag ni Sarah, hindi siya labis na nag-aalala dahil aniya alam niyang maaayos din agad ito ng aktor.

Dagdag pa nito, madalas naman itong napagdaraanan ng karamihan sa mga artista at madali din naman itong naaayos.


Matatandaan nitong Biyernes ay sinampahan ng BIR ng reklamong tax evasion sa Department of Justice si Richard at ang production company nito na R-Gutz Production Corporation, dahil umano sa ‘di pagbabayad ng tamang buwis na aabot sa kabuuang P38.57 milyon.

Batay sa mga reklamo ng BIR, mahigit P300,000 lamang ang idineklarang sales ng buong kompanya ni Richard noong 2012 sa halip na P39. 9 milyon na tunay na inabot nito.

Facebook Comments