Sarangani, Davao Occidental, niyanig ng 3.5 magnitude na lindol

Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang bayan ng Sarangani sa lalawigan ng Davao Occidental pasado alas-11:11 kaninang umaga.

Naitala ng PHIVOLCS sa layong 51 kilometro Silangan ng naturang bayan ang episentro ng lindol.

May lalim na 103 kilometro ang lindol at tectonic ang pinagmulan nito.


Wala namang naitalang pinsala o nasugatan dulot ng lindol habang wala ring inaasahang aftershocks.

Hindi rin naglabas ang ahensya ng mga tsunami warning alert kahit sa karagatan ng naturang lugar namataan ang pinagmulan ng pagyanig.

Facebook Comments