Sariling family household lockdown, dapat nang simulan bago ang ECQ – Malakanyang

97

Hinikayat ng malakanyang publiko na magpatupad ng sariling family household lockdown.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, hindi na kailangan pang hintayin ang pagpapairal ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) bago limitahan ang paglabas sa tahanan.


Iginiit naman ni Roque na mahalagang maprotektahan ang buong pamilya laban sa banta ng mas nakakahawang Delta variant kaya kailangang maging responsable rito ang head of family.

Sa ngayon, nasa ilalim pa ng General Community Quarantine (GCQ) with heightened restrictions ang Metro Manila at itataas sa ECQ simula sa ika-6 ng Agosto.

Facebook Comments