SASAKSIHAN | Pangulong Duterte, tutungo ng Kuwait para saksihan ang signing ng labor protection pact para sa mga OFW

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte na pupunta siya sa Kuwait para saksihan ang paglagda ng kasunduan na magbibigay ng proteksyon sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) na nagtatrabaho doon.

Sa kaniyang sa pagharap sa Filipino community sa Hong Kong, sinabi ni Duterte na nagdesisyon siyang magtungo sa Kuwait dahil sa pagpayag nila sa mga kahilingan ng Pilipinas para sa pangangalaga ng mga OFW.

Kabilang sa mga hiniling ng Pilipinas, ang hindi pagkumpiska ng mga employer sa pasaporte at cellphone ng mga OFW, isang day off kada linggo, maayos na pagkain, pitong oras na tulog at iba pa.


Una nang inimbitahan si Duterte ni Kuwaiti Ambassador to the Philippines Saleh Ahmad Althwaikh na magtungo sa kanilang bansa para personal na makita ang kalagayan ng OFW doon.

Facebook Comments