SASALANG | Mga tauhan ng sumadsad na BRP Gregorio de Pilar sa WPS, isasailalim sa stress debriefing

23

Manila, Philippines – Sasailalim sa stress debriefing ang mga tauhan ng BRP Gregorio del Pilar matapos ang magatumpay na pagkakaalis sa pagkakasadsad nito sa hasa-hasa shoal sa West Philippines Sea.

Ayon kay Philippine Navy Spokesperson, Commander Jonathan Zata – nasa Subic bay, Olongapo na ang barko.

Nagkaroon din ng damage inspection para malaman kung gaano kalawak ang aayusin at kukumpunihin sa barko.

Ikakasa rin ang full-blast investigation para matukoy kung paano nangyari ang accidente noong August 29.

Isang special investigating team na ang sumisilip na sa pangyayari na pangungunahan ni Commodore Toribio Adaci.

Facebook Comments