Satisfaction rating ni Pangulong Duterte nitong May at June 2021, natapyasan

669

Bagama’t nabawasan ay nananatiling mataas ang satisfaction rating ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong buwan ng Mayo at Hunyo 2021.

Batay sa datos ng Social Weather Stations (SWS), umabot sa 75% ang satisfaction rating ng pangulo.


Huling nakakuha si Pangulong Duterte noong Nobyembre 2020 ng satisfaction rating na 84% (51% very satisfied at 33% somewhat satisfied).

Sa nasabing panahon, 9% ang undecided habang 6% ang dissatisfied.

Sa survey nitong Mayo at Hunyo, bumaba ito sa 75%.

Nakamit ni Duterte ang pinakamababang satisfaction rating noong June 2018 na 66% (32% very satisfied at 34% somewhat satisfied).



Sinabi naman ng SWS na walang malinaw na paliwanag kung bakit mataas ang satisfaction ratings pero maaaring dulot ito ng strong base support ni Pangulong Duterte.

Facebook Comments