SAWI | 21 drug suspek patay sa drug operation sa paggunita ng Undas

Dalawamput isang drug suspek ang napatay habang dalawa ang sugatan sa ikinasang anti-drug operation ng Philippine National Police (PNP) sa apat na araw na pagbabantay sa para sa paggunita ng Undas.

Ayon kay PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde, sa kabila na nakatutok sila sa pagtiyak na magiging mapayapa ang paggunita ng Undas ay hindi rin tumigil ang PNP sa anti-illegal drug operation.

Sa katunayan aniya 616 na mga drug operation ang kanilang ikinasa sa loob ng apat na araw na pagbabantay para sa Undas.


Bukod sa anti-illegal drug operation, nagtuloy-tuloy rin ang anti-wanted person operation, kung saan sa loob ng apat na raw nakakumpiska sila ng 525 ng mga wanted person.

Nagpasalamat naman si Albayalde sa mga PNP Regional directors, administrator ng mga sementeryo at mga force multipliers dahil sa pagtutulungan para maging mapayapa ang paggunita ng Undas.

Facebook Comments